“Salamat”

6f033620-732b-410e-a52c-a5cd94f37f05

Salamat

Akda Ni: Sumayya/Bhey

Nilikha Noong: Oktubre 15, 2019 – 05:47 ng hapon sa Dubai

Mula sa Lumikha: “Ang Tulang ito ay inaalay ko sa mga taong nasa relasyon na kung tawagin ay KOMPLIKADO”

Salamat sa iyo,
Sa pagmamahal na binibigay mo,
Na kahit alam nating komplikado
Minamahal mo pa rin ako ng totoo,

Salamat sa pagpapasaya sa akin,
Kapag malungkot ako’y binibigyan ng pansin,
Salamat sa pakikinig sa mga problema,
Kapag umiiyak, ikaw ang nagpapatahan twina,

Salamat sa pagsuyo,
Ramdam ang pagmamahal kahit magkalayo,
Kahit magkaiba ang mundo,
Pinapakita mo pa rin na mahal mo ako,

Salamat sa lahat mahal ko,
Salamat at tayo’y pinagtagpo,
Salamat sa pagbibigay ng kulay sa mundo ko,
Salamat, mahal kita, kahit komplikado.

Advertisements
, , , , , , , , , , , , , , , , ,

Post navigation

naiahlaxa

I am a social media analyst and writing is my passion ❤️

Leave a Reply