Posted on

Mekeni sa Dubai na Talk-Hang?!

Na Talk-Hang ka na ba? Naku! Hindi sa Pinas kung hindi dito sa Dubai! Hindi ka nagka-mali sa iyong nabasa, hindi lang sa Pinas may Talk-Hang! Kahit dito sa Dubai ay talamak ang Talk-Hang! Sino nga ba ang hindi pa na Talk-Hang dito sa Dubai? Ikaw? Naku! Malamang pagkatapos mong basahin ang blog na ito ay nanaisin mo nang magpa-Talk-Hang! (Lol)

Aba siyempre kapag usapang pagkain lahat interesado! Lalo na kung ito ay pagkaing pinoy. Ang Talk Hang ay isang restaurant dito sa Dubai. Kakaiba ang konsepto at talaga namang bibigyan ka ng kakaibang karanasan sa pagkaing Filipino. Hango ito sa kasalukuyang Pangulo ng Pilipinas, si Pangulong Duterte. Maging ang logo ng restaurant ay hango sa tila kamaong bakal ng Pangulo.

Kama kailan lang ay naging biktima kami at talaga namang masasabi naming na Talk-Hang kami! Napaka-saya at sulit na sulit ang aming kinain sa naturang restaurant. So ano? Kumain kana ba? Kung hindi pa, handa ka na bang magutom? Halika magpa-Talk-Hang tayo!

#CTTO: https://www.zomato.com/dubai/talk-hang-deira-city-centre-area/menu#tabtop
#CTTO: https://www.zomato.com/dubai/talk-hang-deira-city-centre-area/menu#tabtop

Ilang araw din naming pinag-iisipan ng aking mga Cabalen (A.K.A Mekeni) kung saan kami maaaring kumain at magsalu-salo upang maramdaman ang diwa ng pasko ng aming lugar, ang Pampanga. Bilang isang OFW, bagamat malayo man kami sa aming mga Pamilya, dito sa Dubai ay aming natagpuan ang salitang Pamilya sa pamamagitan ng bawat isa. Pito kaming magka-kasama, pare parehong Kapampangan, Mekeni kung tawagin dito sa Dubai. Pinag-tagpo sa pamamagitan ng pagmamahal sa Panginoon.

At heto na nga! Napag-desisyunan naming magpa-Talk Hang! Ay este kumain sa Talk Hang Restaurant pala! Maganda ang konsepto ng restaurant, pag-pasok mo palang ay ramdam mo na ang mainit at maligayang pagbati ng mga crew. Dalawang palapag ang kainan kaya mas pinili naming sa itaas kumain. Ang lugar ay hindi maluwang at hindi rin naman makipot, sapat lang ito na ang tema ay waring “Hang Out Place” sa tingin ko. May mga malalambot na sofa roon na kapag umupo ka ay parang lahat ng pagod mo ay unti unting mawawala. Ang sarap sumandal habang hinihintay kunin ang iyong order at habang hinihintay ang pagkain.

e871eeca-b120-46da-be6c-4cc2628e1337(Note: Nadatnan nalang namin ang farewell party na nakasabit lol! Tinanggal naman at pinalitan ng Merry Christmas)

Ang crew ay napaka-agap sa aming mga pangangailangan, napaka-ganda ng serbisyo. umorder kami ng Boodle Salted Egg with unli rice (145AED), Pangasinan Pride Milkfish (39AED), Asian Crispy Squid (33AED), Ice Tea Tower (22AED) at Isaw Platter (30AED). Anim kaming kumain (absent ang isa lol) at talaga namang masasabi naming napaka sulit dahil sobrang busog namin. Ang Boodle Salted Egg nila ay hindi nakakasawa, yung tipong uulit-ulitin mo. Ang bangus at ang crispy squid ay sobrang linamnam kaya naman wala pang limang minuto ubos na sa amin (Ahahaha). Ang Ice Tea Tower ay sapat para maka dalawang baso ang bawat isa sa amin. At ang isaw, ay talaga namang babalikbalikan mo sa sarap, maging ang kanilang suka ay napakasarap – siyempre alam na alam ko ito dahil natalo ako sa isa sa mga laro at ang parusa ko ay uminom ng suka! (Ahaha). Talaga namang kuhang kuha nila ang panlasang pinoy. Kaya naman hindi na nakapagtatakang maraming bumabalik sa Talk Hang Restaurant.

b27335d0-218e-4135-82c1-7481a57cee8d

Normal na sa aming mga Kapampangan ang maingay (Aminin na natin! Ahaha) kaya naman sobrang natuwa kami dahil hindi kami napagsabihan sa Talk Hang na maghunos dili ng kaunti (Ahahaha), malamang ay wala lang  nagre-reklamo. Ang pinaka-nagustuhan namin ay yung hinayaan kami ng mga crew na maglaro ng mga simpleng palaro na inihanda ng isa sa amin at hinayaan din kaming magkasiyahan upang mairaos ang aming simpleng “Christmas Party”.

Napakaganda talaga ng aming naging karanasan sa Talk Hang Restaurant! Siguradong babalikbalikan namin ang restaurant na ito! Naway magkaroon pa sila ng maraming branch dito sa Dubai. Salamat Talk Hang Restaurant sa pakikibahagi sa aming masayang pasko dito sa Dubai ngayong taon. Makikita sa ilalim ang kumpletong address ng restaurant at mga karagdagang impormasyon. Kung hindi kapa nakakapunta ay hinihikayat kitang pumunta lalo na kung nangungulila ka sa panlasang Pinoy. Tiyak na hindi ka magsisisi at talagang mapapa-wow ka sa sarap! O? Ano pang hinihintay mo? Magpa-Talk Hang kana din!

Address:
Block B, Centurion Star Tower, Near Deira City Center Metro Station, Street 9 C, Deira City Centre Area, Dubai

Contact:
0502748408
04 2555130

Hours:
Tue-Sun = 10:00AM – 12:00AM
Mon = 11:00AM – 11:30PM

Leave a Reply