Posted on

6161bed4-81de-49c7-96e8-7cad940f0ebf

Mekeni sa Dubai

Likha Ni: Haian

Nilikha Noong: Disyembre 15, 2019 – 10:25 ng umaga sa Dubai

Nagsimula ang lahat sa Singles For Christ Community
Sa paglipas ng panahon, samaha’y naging napaka-tindi
Bawat pagsasama’y puno ng saya
Mga pagsasalong walang katumbas na ligaya

Dito sa Dubai, Mekeni kung kami ay tawagin
Ngunit Cabalen ay siyang tunay at kung inyong mamarapatin
Bagamat maingay at medyo may kayabangan daw sabi nila
Sa masarap na luto diyan kami mas kilala

Asaran at kulitan ay hindi mawawala
Pikon ay walang lugar sapagkat bawat isa ay kilala
Malayo man sa pamilya, sa samahang nabuo ay parang malapit din
Sa bawat pagtitipon, tila oras ay bitin

Tunay ngang hindi matutumbasan ang pagka-kaibigan
Pagmamahal sa isat-isa’y walang hanggan
Sa paglipas ng panahon, mawala man kami sa uso
Ang bawat isa ay mananatili sa puso

 

 

 

Leave a Reply