X

WhatsApp Image 2019-12-14 at 12.12.39 PM

X

Likha Ni: Sumayya/Bhey

Nilikha Noong: Oktobre 22, 2016 – 10:25 ng gabi sa Dubai

Gusto kong tumakbo…
Malayong malayo sa mundong ito…
Gusto kong pumunta…
Doon sa aki’y walang nakaka-kilala…

Gusto kong lumayo…
Ngunit ‘di alam saan tutungo…
Gusto kong kalimutan…
Ang sa ami’y namagitan…

Gusto kong takasan…
Ang aking nakaraan…
Nakaraan na hanggang ngayo’y sa aki’y sumasama…
Alaala niya’y laging nakikita…

Paano siya makakalimutan?
Kung siya parin ay nasa puso’t isipan…
Sana panaginip na lang ang lahat…
Para wala na siya sa aking pag-mulat…

Gusto ko siyang kalimutan…
Itapon lahat ang nakaraan…
Ngunit paano nga ba?
Kung siya lang ang nilalaman…

Sana problema’y masolusyunan…
Dahil walang wala talagang patutunguhan…
Sana damdamin ay maturuan…
Para wala ng iba pang masaktan…

Advertisements
, , , , , , , , , , , , , , ,

Post navigation

naiahlaxa

I am a social media analyst and writing is my passion ❤️

One thought on “X

Leave a Reply